Tagalog: Truth in Lending Act – Ano ang dapat mong malaman bago umutang

Tagalog: Truth in Lending Act – Ano ang dapat mong malaman bago umutang

|

Sa tulong ng makabagong teknolohiya, padami na ng padami ang mga digital lending company sa Pilipinas na naga-aalok iba’t ibang uri ng pautang. Ang paga-apply ng loan mula sa sariling bahay ay talaga namang patok sa mga mamamayan. Pero sa kabila nito, may mga ilan pa din ang nababahala at naga-aalingan na mag-apply sa ganitong uri ng pautang. Para makatulong sa mga interesadong umutang, ipinatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Truth in Lending Act. Gusto mo bang malaman ang tungkol dito? Nilista namin sa baba ang mga importanteng bahagi nito.

Ang Truth in Lending Act ay isang batas kung saan dapat ilahad ng mga lending institutions ang mga charges sa kanilang pautang. Ang layunin ng batas na ito ay ang maprotektahan ang mga Filipino sa kanilang mga walang kamalayan sa bawat sinisingil ng mga institusyong ito. Sa paglalahad ng mga charges na ito, matutulungan ang mga Filipino na pumili ng tamang loan na naayon sa kanilang kakayahang makabayad.

Bago magpautang, dapat ipakita ng kumpanya sa bawat humihiram ang malinaw na listahan ng kanilang mga sinisingil. Ang sumusunod na impormasyon ang dapat mga nakalista:

(1) the cash price or delivered price of the property or service to be acquired;

(2) the amounts, if any, to be credited as down payment and/or trade-in;

(3) the difference between the amounts set forth under clauses (1) and (2);

(4) the charges, individually itemized, which are paid or to be paid by such person in connection with the transaction but which are not incident to the extension of credit;

(5) the total amount to be financed;

(6) the finance charge expressed in terms of pesos and centavos; and

(7) the percentage that the finance bears to the total amount to be financed expressed as a simple annual rate on the outstanding unpaid balance of the obligation.

Ang gawaing ito ay kapaki-pakinabang na gabay para sa mga Filipino na interesadong mag-apply ng utang. Ang pagsusuri kung may kakayahan ka ba magbayad ng utang ay mahalaga bago pumasok sa anumang Loan Agreeement. Ugaliing magbasa muna bago lagdaan ang kasunduan tungkol sa utang na iyong inaaplyan. Lagi ding suriin kung nabigay ba sayo lahat ng impormasyon at kung sang-ayon ka ba sa mga nakalahad sa kontrata. Huwag ding kalimutang tandaan ang iyong due date at total repayment amount upang maiwasan ang anumang multa at overdue na interest kung sakaling nalimutan mong magbayad.

 

    WHAT TO READ NEXT

  • Pinansyal Na Abiso Na Sana Ay Nalaman Ko Noong Ako Ay 20’s

    READ MORE
  • Pagbabangko sa mga unbanked sa Pilipinas

    READ MORE

Search Our Blogs