Swelduhan muna ang sarili: Bakit kailangan mong mag-ipon, ng mag-ipon, ng mag-ipon!

Swelduhan muna ang sarili: Bakit kailangan mong mag-ipon, ng mag-ipon, ng mag-ipon!

|

Bakit kailangan mo pag mag-alala kung paano makakapagtabi ng pera kada buwan kung may sapat ka namang kinikita para sa iyong mga pangangailangan? 

May ibat-ibang dahilan kung bakit kailangan mong mag-ipon ng pera. Ang bawat isa ay nag-iipon ng pera para sa ibat-ibang layunin, kaya naman kung may malinaw kang layunin o ninanais, mapapadali ang iyong pag-iipon. 

Narito ang ang mga pangunahing dahilan kung bakit kailangan mong mapanatili ang iyong pag-iipon:

1. Emergency Cushion

Napakadaming dahilan kung bakit ka at ang iyong pamilya ay dapat mag-ipon para sa mga emergency cushion. Mga hindi inaasahang insidente, pagpapaayos ng bahay at  pagpapagawa ng sasakyan ang ilan sa mga dahilan kung bakit kailangan mong bumuo ng emergency fund. Hindi lang ito para matugunan ang ganitong klase ng emergency, ngunit makakapagbigay din ito ng kapayapaan kung sakaling mawalan ka ng trabaho o magkaroon ng anumang sakit. Sa madaling salita, hindi natin alan ang posibleng mangyari kaya naman mas mainam na maghanda para sa kung ano mang mangyari.

2. Retirement Fund

Tulad ng karamihan sa atin, darating ka sa edad kung saan magreretiro ka na. At upang ma-enjoy at magkaroon ng komportableng buhay sa panahong iyon, kailangan mong bumuo ng retirement fund. Kung magsisimula ka ng bumuo ng retirement fund ngayon, maaari kang makapagretiro nang mas maaga o kung kailan mo gusto. 

Kung mas maaga kang mag-iipon para sa iyong pagreretiro, mas maunti na lang ang kailangan mong ipunin sa darating na panahon. Maaari ka din maglagay ng  pera para sila na ang magpalago para sa’yo, lalo na kung sasamantalahin mo ang cumulative interest.

Makakaipon ka ng mas mataas na interest sa pera ipunpundar mo kung tuluayang kang magco-contribute kada buwan. 

BASAHIN: Investing: A Great Way to Grow Your Money

3. Education

Bilang magulang, nais mong mabigyan ng mahusay na edukasyon ang iyong mga anak, isang edukasyon na may malaking oportunidad at posibilidad. Ngunit kahit anong edad na ng iyong anak, ang pagkokolehiyo ay mukang malayo pa. Narito ang isang sikreto: sa halip na hintayin mo pa ang iyong anak na magtungo sa kolehiyo, mas mahusay kung magsisimula ka ng mag-ipon ngayon. Ang pag-iisip tungkol sa hinaharap ay nangangahulugang may magandang kinabukasan para sa iyong anak at kalayaan sa pananalapi naman para sa’yo.

4. Real Estate Deposit

Kung maga-apply ka ng loan, ang iyong deposito ay isa sa pinaka malaking katungkulan. Malaki ang posibilidad na aaprubahan ng banko ang iyong application kung may mas malaking kang pera na idedeposit sa kanila. Ang isa pang pangunahing dahilan ay, ang malaking deposit ay makakabawas sa iyong buwanang bayad at gayundin sa iyong amortisasyon.

8 NA MABISANG PARAAN PARA MAKAIPON NG PERA:

  1. Ipunin at ihulog sa bangko ang mga sukili at barya mong naipon. Gumamit ng piggy bank at kapag ito ay puno na, ideposit kaagad ito sa banko.
  2. Ipunin ang mga hindi mo inaasahang pera kagaya nang mukukuha mo sa income tax return. 
  3. Magbaon ng pananghalian sa trabaho para makatipid.
  4. Subukang huwag gumastos ng isang linggo at ipunin ito.
  5. Bumili nang hindi gaano kamahal na bagay at itabi ang pera na matitipid dito.
  6. Bumili lamang ng mas murang bagay at magsanay sa pagtitipid.
  7. Bago bumili, magkumpara muna ng mga presyo. Tumingin muna sa iba’t ibang store bago bilhin ang isang mamahaling bahay. 
  8. Mag-schedule ng “Spend Nothing Week” kada buwan.

Nagi-ipon tayo dahil hindi natin masasabi ang hinaharap. Kung sakaling may mangyaring sa atin na hindi inaasahan, ang pagi-ipon ng pera ay makakatulong para maging financialy secure at makapagbigay sayo ng financial security.  


    WHAT TO READ NEXT

  • Investing: Mahusay Na Paraan Para Mapalago Ang Iyong Pera

    READ MORE
  • 5 Mabisang Tips Sa Pamamahala Ng Iyong Personal Na Pinansyal

    READ MORE

Search Our Blogs