Pag-gawa (at pananatili) sa iyong budget

Pag-gawa (at pananatili) sa iyong budget

|

Malapit na ang Pasko – ang pinakamasaya ngunit magastos na panahon ng taon. Mga kung ano-anong discounts dito, great deals doon at kung saan-saang promotion. Talaga namang nakakatuksong bumili! Ngunit kahit na nadagdagan ang ang iyong kita ngayon buwan mula sa 13th-month pay at bonus na iyong natanggap, importante pa din na gumawa (at mag-stick dito) ng holiday budget. 

Ang paggawa nito ay hindi lang makakabawas ng stress at makakaiwas sa paggastos ng sobra, ngunit matutulungan ka din nito makapagisip ng mabuti tungkol sa mga bagay na nais mong bilhin.

Narito ang mga paraan kung paano gumawa ng isang budget at kung paano mag-stick dito.

BASAHIN: Smartest Things To Do With Your 13th-Month Pay

MAG-SIMULANG GUMAWA NG HOLIDAY BUDGET

Mahirap talagang mag-stick sa budget kung wala ka nito, kaya ang kauna-unahan mong dapat gawin ay gumawa ng isang “Holiday Budget”. Bago ka mamili, siguraduhin mo na handa ka at nakalista ang iyong mga kailangan. Kasama dito ang mga grocery, palamuti, regalo, pambalot at mga iba pa. Kapag tapos na, i-check ulit ito para makita mo kung nakalista na ba ang lahat ng kailangan mo. 

Ang paglilista ay makakatulong upang maiwasan ang paggastos ng sobra sobra at mga pagbili ng hindi naman kailangan. Napakadaling magpadala sa mga bagay na inaalok sa atin, lalo na kung ito ay nakasale, pero kahit na gaano sila nakakaaya — tandaan na laging magstick sa iyong budget.

MAGTAKDA NG LIMIT SA BAWAT CATEGORY

Sabihin na nating nakagawa ka na ng listahan, ang kasunod na gagawin mo na ay magpasya kung magkano ang ilalaan mo sa bawat category. Pwede mo itong gawin sa pamamagitan ng pagdi-divide ng iyong pera na nakalaan ngayong Pasko, pagtapos ay magpasya kung ilang percent mula sa iyong budget ang ilalaan mo sa mga ito. Ang pagkakaroon ng limitasyon sa groceries, mga regalo, at iba  pa ay makakatulong upang matukoy mo kung malaki ba ba ang magagastos mo sa mga ito, at bukod sa lahat, makakatulong ito magkapagpasya kung anong klaseng item ba ang dapat mong bilhin.

ILISTA ANG IYONG PRESENT LIST – PERO MAG SET NG BOUNDARIES

Ang kahulugan ng Pasko ay maaring pagbabahagi at pagbibigayan, ngunit hindi ito nangangahulugang ibibili mo ng regalo ang bawat taong kakilala mo. Kung magpaplanong bumili ng regalo, bigyan mo lang ang mga taong mahalaga sa’yo — at hindi rin nito kinakailangang mahal. Pwede kang gumawa ng DIY gifts na may mas malalim na kahulugan. Magsearch ka lang ng mga idea at guide kung paano gumawa.

Marami sa atin  ang nagfo-focus sa mga materyal na bagay na ating maaari ibigay o matanggap kaya’t nalilimutan na nating ang tunay na kahulugan ng Pasko, at yun ay ang ang magsama-sama ang pamilya.

I-TRACK ANG IYONG MGA MAGAGASTOS

Para makapag-stick sa iyong budget, importante na tinatrack mo ang bawat nagagastos mo. Para magawa mo ito, lagi mong dalhin ang iyong listahan kasama ng iyong budget sheet sa tuwing ikaw ay mamimili. Mabibigyan ka nito ng idea kung magkano na lang ba ang natitirang budget para sa ganitong uri ng category at mas mapapadali sa’yo na mag-adjust, kung kinakailangan. Tandaan na ang pagta-track ng iyong paggastos ay hindi kailangan ngunit isang susi para makapag-stick sa iyong budget. 

HUMINTO NA NG PAGBILI

Kung tapos ka ng mamili at sa kabutihang palad ay may natira pang pera sa iyong budget, hindi ibig sabihin nito ay bibili ka pa ng isang bagay na hindi mo naman kailangan. Imbis na gastusin mo ang iyong pera, i-enjoy mo na lang na hindi ka gumastos ng malaki at walang anumang inutang. 

Mga mabisang tips sa pagbili ng regalo

  • Magbayad lagi ng cash. Maliit man o malaki ang iyong bibilhin, huwag pa ding gamitin ang iyong credit card bilang ito ay maghihintulot lang ng malaking gastos. 
  • Samantalahin ang mga online shopping sales. Hindi lang pera ang matitipid mo dito kundi pati na rin ang iyong oras bilang hindi mo na kailangan umalis ng iyong bahay. Pero kung mamimili ka online, siguraduhin mo na bibilhin mo lang ang iyong mga kailangan. 
  • Mamili ng mag-isa. Mas mapapagastos ka kung magsasama ka ng iyong kaibigan dahil maaaring pilitin ka lang nilang bumili ng hindi mo naman kailangan. 
  • Humanap ng mga discount code. Maraming pamilihan ang nagaalok ng discount code. Maaari mong mahanap ang mga ito sa internet o sa kanilang social media. 
  • Limitahan ang iyong shopping destinations.  Pumunta lamang sa mga mall na kailangan mong pumunta upang maiwasan ang pagiging abala at makatipid ng pera sa transportasyon.

Ang mga marketer ay mahuhusay sa kanilang ginagawa na talagang nanaisin mong gumastos ng pera. Pero huwag magpadala! Maaari mo pa din ma-enjoy ang Pasko, makapagbigay ng mga regalo at kumain ng masasarap na pagkain ng hindi kinakailangan gumastos ng malaki. Ang paggawa ng budget ay hindi nangangahulugang nililimitahan mo ang saya – nangangahulugan lang na ikaw ay nagpapakaresponsable at gusto harapin ang season na ito ng walang stress. 


    WHAT TO READ NEXT

  • 6-hakbang na gabay upang paglikha ng isang badyet

    READ MORE
  • Financial planning kasama ang iyong pamilya

    READ MORE

Search Our Blogs