Pagdiskubre at Pag-iwas sa Mga Scam

Pagdiskubre at Pag-iwas sa Mga Scam

|

Target ng mga mandaraya ang mga indibidwal kahit saang edad at antas ng kabuhayan. Walang pangkat ng katayuan ang mas nabibiktima ng scam, sa anumang pagkakataon ang lahat ay maaaring maging suspek nito.

Madaling mahulog sa scam bilang ito ay mukang makatotohanan at kadalasan nahuhuli ito sa mga panahong hindi inaasahan. Ang mga mandaraya ay mas nagiging matalino ngayon at sinasamantala ng ang mga bagong teknolohiya, mga bagong produkto at mga makabuluhang kaganapan upang makabuo ng mga kapani-paniwalang kwento na manghihikayat  na bigyan sila ng pera o personal na impormasyon.

Narito ang mga nangungunang paraan upang makaiwas sa mula sa mga scammers at protektahan ang iyong sarili:

Maging Ma-ingat kung Nakikipagugnayan sa Pera

Pama-telepono man, mail, email, personal o sa mga social media sites, palaging isaalang-alang ang posibilidad na ito ay maaaring isang scam lalo na kapag nakikipag-ugnayan ka sa hindi mo naman kakilala. 

Kapag Nakikipag-ugnayan sa mga Hindi Kakilala, Panatilihing Kumpidensyal ang iyong mga Personal Information

Bago mo itapon ang iyong mga bill at ibang importanteng documents, punitin at siguraduhin na hindi na ito mababasa. Ang iyong mga password at pin ay hindi dapat madaling ma-access at dapat na mailagay nang ligtas.

Maging maingat din sa mga private data na iyong binabahagi sa mga website o social media. Ang mga mandaraya ay maaaring gamitin ang iyong mga litrato at data upang makagawa ng pekeng profile upang matarget ka ng scam. 

Tingnan lagi ang iyong Social Media Privacy at Security Settings

Kung gumagamit ka ng mga social media site kagaya ng Facebook, Instagram, o Twitter, maging maingat kung kanino ka nakikipag-ugnayan at intindihin kung papaano gumamit ng privacy at security setting upang masiguro na ikaw ay protektado. Kung may nakikilala kang nakakagambalang kilos, gumawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang iyong account at siguraduhing iulat ito.

Kilalanin kung Kanino ka ba Nakikipag-ugnayan

Kung nakatagpo ka ng isang tao sa internet at hindi sigurado tungkol sa kanilang pagiging lehitimo, maglaan ng kaunting oras upang hanapin ito. Tingnan ang litrato nito sa Google o internet para malaman ang iba pang nakikitungo dito.

Huwag sagutin ang mga tawag na humihingi ng access sa iyong computer. Agad na ibaba ito sa oras na mabanggit  nila ang iyong bank or lending services company.

Piliing Mabuti ang iyong Passwords

Gumamit ng mga passwords na mahirap alamin at palitan ito nang madalas. Ang matibay na password ay dapat naglalaman ng letra, numero, at simbolo. Sa bawat account/profile, huwag gumawa ng parehas na password at huwag ding ibahagi ito sa sa ibang tao. 

Kung Namimili Online, Maging Mas Maingat

Protektahan ang iyong sarili laban sa mga produktong hindi kapani-paniwala at bumili lamang sa mga online shopping platform na kilala at katiwa-tiwala. Mag-isip nang mabuti bago gamitin ang mga digital currency dahil wala silang parehong mga probisyon tulad ng iba pang mga paraan ng pagbabayad, na nangangahulugang kapag ipinadala mo ito, hindi mo mababawi ang iyong pera.

Sa digital age ngayon, ang mga pandaraya at financial scams ay nagtatago sa lahat ng posibleng lugar – online man o offline. Ang ilan sa mga ito ay mahirap mahuli dahil maayos nila itong ginagawa. Gayunpaman, maiiwasan mong maging biktima sa pamamagitan pag-alam ng impormasyon sa itaas. Laging tandaan na kung hindi ito kapani-paniwala, marahil ay hindi nga ito, kaya palaging mag-ingat.



    WHAT TO READ NEXT

  • Bakit Mas Nakabubuti Ang Personal Na Utang Kumpara Sa Credit Cards

    READ MORE
  • Tagalog: Truth In Lending Act – Ano Ang Dapat Mong Malaman Bago Umutang

    READ MORE

Search Our Blogs