Paano magsimula ng negosyo nang walang kapital

Paano magsimula ng negosyo nang walang kapital

|

Mayroon ka bang business idea pero walang kapital upang mangyari ito? Mas kailangan mo ito kaysa kapital upang magtayo ng negesyo. Ito ay totoo lalo na sa produkto at mamahaling serbisyo.

Kung ikaw ay determinado magsimula ng negosyo, ang kailangan mo ay oras at maayos na plano upang magawa ito. Narito ang mga paraan  upang makapagsimula ka ng negosyo ng walang kapital.

Huwag tumigil sa iyong trabaho at kumuha pa ng isa

Hindi mo dapat asahan ang iyong negosyo at isipin na mababayaran nito ang upa mo. Ang pagsisimula ng negosyo ay nangangailangan ng pera. Maging praktikal. Malaking tulong ang magkaroon ng stable income. Ipunin ang iyong sweldo para sa initial fund sa iyong business.

Magdoble kayod kung kinakailangan. Magtrabaho ng mas mahabang oras o kumuha ng side job. Sa iyong free na oras, pwede kang gumawa ng online content. Pwede itong personal vlog, ngunit nangangailan ito ng oras bago mapagkakitaan. Pwede ka din magsulat ng blog para sa ibang tao na may madaliang bayad. Pwede kang gumawa ng digital art na may komisyon. Pwede ka din magtrabaho mula sa inyong bahay, at tiyak na ang mga opurtunidad ay walang katapusan.

Buuin ang iyong safety net – hindi bababa sa 6 na buwan na halaga ng iyong mga gastos

Maging praktikal. Ang unang buwan ng iyong tubo ay mapupunta sa reinvestment – para sa bagong material, ingredients, o maintenance. Kakailanganin pa ng ilang buwan bago mapapunta para sa iyong sarili ang tubo. Bago ka tuluyang mag-commit sa iyong business, siguraduhin na mayroon nakatago para sa darating na buwan. Sapat dapat ang iyong pondo bago ka huminto sa iyong trabaho at mag-focus sa business.

Mag-survey sa iyong market

Ikaw, bilang isang bagong negosyante, marahil ay hindi gusto maging “isa pa” na panadero o “iba pa” na salon. Ang pagkakaroon isang brand ay nangangahulugang mayroon kang isang natatanging bagay. Ngunit nangangahulugan din ito bilang isang hindi pa matatag na produkto o serbisyo. Paano ka makakasigurado na ang negosyong gagawin mo ay kawili-wili upang makahingkayat ka ng mga mamimili? Kung hindi ito kakaiba, siguro ka ba na lilipat ang mga mamimili sayo?

Ito ang mga tanong upang ma-test ang iyong produkto. Kung magtitinda ka ng pagkain, i-try muna ito. Dalhin ito sa merkado at tanungin ang mga tao kung bibilhin ba nila ito. Kung ito ay isang serbisyo, gumawa ng online poll o survey kapalit ng gift check o voucher. Humanap ng paraan kung paano ka makakakuha ng customer.

Kapag sinimulan mo na ang iyong negosyo, palagiin na i-test ang iyong produkto o serbisyo at mag-adjust sa tugon ng iyong mga customer. Pagkatapos ng lahat, ang customer mo pa din ang magdadala ng pera sa iyong negosyo.

Ano ang mga pwede mong gawin para matuto ng libre?

Importante na unahin ang iyong mga gastusin. Matutulungan ka nitong ayusin ang iyong pondo mula sa kung anong meron ka ngaun at ano ang pwede mong itabi sa susunod. Magsimula sa mura at madaling hakbang hanggang sa tuluyan mo na itong mabuo.

Halimbawa, kung kailangan mong i-promote ang iyong negosyo, hindi mo kailangan gumastos ng pera  para sa online marketing. Matutong gumawa ng Facebook Page. Hindi mo pa naman kailangan gumawa ng sariling website. Aralin ang facebook advertising at gamitin ito pag kaya mo ng magbayad ng ads. Pansamanta, ipa-like at ipa-promote muna sa iyong kaibigan ang iyong page.

Kung nag-iipon ka para sa isang physical store, pwede ka munang magsimula bilang isang online store sa Shopee, Lazada at Facebook Marketplace. Yayain ang iyong pamilya o kaibigan na bumili sayo o kaya naman hingkayatin silang maging reseller. Samantalin ang free networking. Siguraduhin na nabibigyan sila ng incentives, share sa tubo o kaya naman token upang mas mas mahingkayat silang tumulong sa susunod.

Kung kailangan mo ng mamahaling equipment na pwede naman mabili ng second hand, gawin ito! Halos mabibili mo na naman lahat sa online. Humanap ng pinakasulit na hindi nakukumpurmiso ang kalidad nito. Siguraduhin na i-test muna ito bago bilhin at alamin kung paano mo ito mame-maintain. Maaring kailangan mo lang itong linisin o palitan ng filters kadabuwan. Matutong gawin ito upang hindi magbayad para sa gagawa.

Hingkayatin na mag-invest ang iyong tito

Kung kailangan mo pa ng additional funds maliban sa kaya mo, oras na para humanap ng investors. Una sa lahat, pamilya. Mahirap humiram ng pera sa kamag-anak dahil sa utang na loob, ngunit mas nakakunawa sila kung hindi mo man ito mababayaran sa tamang oras.

Kung kinakailangan, magloan ng maliit sa bangko. Ngunit ito dapat ang huling option mo dahil hindi ito maunawain kagaya ng pamilya pagdating sa interest ng loan. Bukod sa interest, ang bangko ay mayroong penalties at inconvenience fees. Mayroon pa yang kung ano-ano pa. Hindi ito ang unang pagkakataon na mag-sasara ng isang maliit na negosyo nang dahil sa utang sa bangko, kaya dapat pagisipang mabuti ito.

Hindi dapat hadlang ang pera upang makamit mo ang pangarap mo bilang isang negosyante. Dapat mas mag udyok ito para magkaroon ka ng motibasyon – mula sa iyong skills at social network. Ang magaling na negosyante ay dapat makita lahat ng oportunidad sa paligid nia at magamit ito ng tama.

    WHAT TO READ NEXT

  • Sa iyong credit: Paano nakakaapekto ang iyong credit history sa iyong credit future

    READ MORE
  • Paano protektahan ang iyong sarili mula sa pandaraya

    READ MORE

Search Our Blogs