Paano Magiging Handa sa Aspeto ng Pananalapi sa Oras ng Kalamidad

Paano Magiging Handa sa Aspeto ng Pananalapi sa Oras ng Kalamidad

|

Hindi mo palaging mahuhulaan ang panghinaharap o masasabi kung kailan darating ang isang kalamidad. Subalit maaari mong paghandaan ang anumang darating na kalamidad. Bagamat hindi malulutas ng pera ang lahat ng iyong problema, ang pagiging handa naman ay maaring makatulong upang masolusyunan at makaligtas sa anumang kalamidad. 

Narito ang ilang mga paraan upang maging handa sa pananalapi para sa paparating na krisis: 

Palakihin ang iyong emergency fund

Ang emergency fund ay ang pera na iyong itinabi upang mapunan ang mga hindi inaasahang gastos at upang masiguro ang iyong mga kailangan. Maaaring narinig mo na ang kasabihang “Hope for the best, plan for the worst”. Ang payong ito ay naaakma sa maraming bagay at lalo na pagdating sa pananalapi. Pero paano ka nga ba makakapag-simula? Narito ang ilang mga hakbang:

  1. Alamin kung magkano ang iyong kinikita
  2. Mag set-up ng automatic savings
  3. Patuloy na gawin ang mga ito hanggang maging sapat para sa iyong tatlo hanggang na anim na buwang gastos

BASAHIN: Swelduhan muna ang sarili: Bakit kailangan mong mag-ipon, ng mag-ipon, ng mag-ipon!

Gumamit ng Online Banking

Ang paggamit ng online banking mula sa iyong tahanan ay isang malaking ginhawa lalong lalo na kung may hinaharap kang kalamidad kagaya ng bagyo o pandemya. Marami ng kumpanya ang tumatanggap ng bayad sa pamamagitan ng bank transfer gamit ang screenshot ng proof of payment — at ang kailangan lang ay konting  pag-click. Nakakatulong ito dahil maiiwasan mo ang mga penalties at late interest kung sakaling hindi ka nakapagbayad sa takdang oras. 

Iba pang mga pakinabang ng Online Banking:

  • Mas mababang fees
  • Matitingnan ang mga transaction history
  • Makakapagsalin ng pera sa ibang bang accounts
  • Masusuri ang iyong account 24/7

Panatilihing may hawak na pera

Kahit na ang lahat ay tila digital, ang pagkakaroon ng pera sa kamay ay mahalaga pa rin dahil magsisilbi itong reserba. Siguradong maaari mong gamitin ang iyong credit card. Ngunit, ang pagkawala ng kuryente o isyu sa kuryente ay posibleng mangyayari kapag may kalamidad. Kaya siguraduhin na mayroon kang pera na hindi bababa sa tatlong araw upang makapagbayad para sa iyong pagkain, tirahan, at iba pang mga pangunahing pangangailangan.

Ihanda ang mga importanteng dokumento

Kapag may kalamidad o trahedya, malamang na tatanungin ka tungkol sa iyong pagkakakilanlan upang kumpirmahin ang iyong mga pinansiyal na mga ari-arian  kaya naman ay ang pagkaroon ng access sa iyong mga pag-aari. Tiyaking na ang iyong orihinal o labis na mga kopya ay nasa iyo at matatagpuan sa isang folder kung saan madali mong maabot.

Ang impormasyon at mahahalagang dokumento na dapat mong ilagay sa isang ligtas na lugar:

  • birth certificates
  • property deeds,
  • insurance policies,
  • passports,
  • Social Security cards,
  • bank account information,
  • credit card account information,
  • contracts

Walang katiyakahan ang buhay at ang pandemya na kinakaharap natin ngayon ay isang halimbawa na ang kalamidad ay maaaring mangyari sa kahit kanino at anumang oras. Bagamat nag-iwan ito ng isang hindi kasiya-siyang karanasan, gayunpaman, nagbigay sa atin ito ng mga aral na dapat nating isagawa. Kung iniisip mo na sana mas naging matalino ka sa paghawak ng iyong mga pananalapi, huwag masyadong magsisi. Basta’t bumangon, lumaban, at gawin ang mga hakbang na ito.

    WHAT TO READ NEXT

  • Paano Makawala Sa Utang

    READ MORE
  • Pagbabangko Sa Mga Unbanked Sa Pilipinas

    READ MORE

Search Our Blogs