Paano Kumita ang Pera Para Sa’yo

Paano Kumita ang Pera Para Sa’yo

|

Sabihin na nating mayroon kang sapat na budget at hustong ipon. Ang kasunod na tanong na marahil nasa iyong isip ay kung paano mo papalaguin ito. Ang pagtatago nang iyong pera sa bangko ay maaaring  safe ngunit hindi naman ito ang pinakamatalinong idea. Kung naghahanap ka nang pangalawang mapagkukunan nang pera, ang pagkakaron ng passive income ay ang mabisang paraan. Hindi lamang ito nakakatulong na makalikha nang sapat na kita, makakatulong din ito upang maging financially secured ka kung sakaling may insidenteng mangyari na hindi inaasahan.

Narito ang ilang mga paraan upang kumita ang pera para sa iyo:

TURUAN ANG SARILI

Maaari kang makatuklas nang maraming mga pagkakataon kung patuloy mong tuturuan ang iyong sarili, dahil kung marami kang alam sa isang specific area, mas magiging mahalaga ka. Ang pagkuha ng master’s degree, pagdalo sa mga seminar o pagkuha nang mga klase sa online ay parang isang side gig. Maaaring hindi ka pa kumita nang pera mula sa lahat ng ito ngunit tataas naman ang iyong potensyal na nangangahulugang mas maraming pagkakataong kumita ng pera. Iyon ang dahilan kung bakit mahalagang mapalawak ang iyong mga kasanayan at kaalaman upang tumaas ang halaga ng iyong sarili.

KUMUHA NG SIDE HUSTLE

Siguradong nais mong tumaas ang iyong kinikita. Ngunit sinusubukan mo na bang gumawa nang isang bagay tungkol dito? Nag-try ka na ba nang ibang pagkakakitaan? Dito pumapasok ang side hustle. Dapat kang gumawa nang mga paraan upang kumita ng pera sa labas ng iyong full-time job. Maraming mga trabaho ang pwedeng gawin kahit sa bahay lang o kaya naman online. Kasama na dito ang content writing, visual assistant at graphic design. Bukod sa pera na makukuha mo mula sa iyong side hustle, mapapalawak din ang iyong kaalaman at madadagdagan ang iyong mga kasayanayan, kung saan magiging gateway mo para sa mas magandang opportunity. 

MAGING ISANG BUSINESS PARTNER

Pagpalagay nating may sapat kang ipon at gusto mong mag tayo nang business ngunit ayaw mong umalis sa iyong full time job. At sabihin na nating may kilala kang gusto magtayo nang business at naniniwala sa kanyang produkto. Kung ganon, maging isang business partner at palaguin ang iyong pera habang nananatili ka sa iyong full-time job.

Paalala: Kahit na mayroon kang full time job, gumawa ka pa din ng oras para mapagusapan ninyo ng partner mo ang inyong layunin sa inyong negosyo. Ipaalam sa iyong partner ang mga bagay na pwede niyang maasahan sa’yo at ganun ka din dapat sa kanya – i-share ang mga bagay na inaasahan mo sa kanya. Sa business, importante na kaya niyong i-handle ang mga bagay na pinagkakaiba ninyo at laging maging positibo.

GAMITIN ANG IYONG CASHBACK AT REWARDS

May mga bayarin ka kagaya ng groceries, cellphone at gas. At dahil gumagastos ka sa mga bagay na ito, mainam na samantalahin mo na ang iyong cashback o rewards na nakukuha mo mula sa mga ito. Maaari mong ma-redeem ang mga points sa pamamagitan ng pagkakaroon ng discount sa specific product, promo codes sa travel, hotel bookings at airline tickets.

Tip: Gamitin ang iyong credit card kung bibili ka ng maramihan para may maipon kang malaking points. Pero kung gagamitin mo ito, siguraduhin mong makakapagbayad ka sa tamang oras upang maiwasan ang anumang interest

MAG-INVEST SA REAL ESTATE

Kung mayroon ka ng stable job at sapat na kinikita, i-consider mo ang mag-invest sa real estate. Ang pagi-invest sa ganito ay hindi naman nangangailangan nang iyong mahabang oras at may iba’t-ibang paraan. Halimbawa, pwede kang bumili ng isang single-family room at paupahan mo. Ang pera na makukuha mo sa upa ang bahala para kumita kahit natutulog ka. Kung magi-invest ka sa mga rental properties na kayang makapag-generate ng income upang masuportahan ang iyong mga pangangailangan at kagustuhan, magkakaroon ka ng freedom upang ma-enjoy ang mga bagay na gusto mo kahit na hindi ka magtrabaho buong araw.  

KUMUHA NG INVESTMENT

Ang pagbili ng stocks, shares at bonds ay isa sa mga sikat at mahusay na paraan para magkaroon ng side income. Maaring common choice ito kaya lang hindi lahat ng tao ay alam kung paano ito simulan. Kung isa ka mga ito, hinihikayat ka namin na basahin ang: Mahusay na paraan para mapalago ang iyong pera

Lahat ng tao ay gustong makamtan ang financial freedom upang hindi na sila pa mag-alala pa sa kanilang mga gastusin. Ang pagbuo ng passive income ay hakbang para maging financially free. Hindi ito nangyayari overnight. Kailangan mong gawin ito at pagtrabahuhan. Maaring nangangailangan ito ng iyong oras, effort at pera pero tiyak na sulit ito. Kaya ngayon ang kailangan mo ng gawin ay simulan na.


    WHAT TO READ NEXT

  • 6-Hakbang Na Gabay Upang Paglikha Ng Isang Badyet

    READ MORE
  • Ano Ang Loan At Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Dito

    READ MORE

Search Our Blogs