Paano Kontrolin Ang Iyong Paggastos

Paano Kontrolin Ang Iyong Paggastos

|

Sa panahon ngayon na pwede ka nang mamili o mag-shopping mapa-umaga, tanghali, o gabi, sa pamamagitan lamang ng ilang pindot sa iyong telopono, mas lalong naging mahirap ang pag-iwas na gumastos ng sobra. ‘Di mo na kailangan pang mag-alala dahil naglista kami ng ilang mabisang paraan upang makaiwas ka sa hindi responsableng pagwaldas ng pera. Basahing mabuti ang mga tips na ito upang maiwasan mong mabawasan ang iyong pinakaiingatang buwanang budget.

GAWING PRIYORIDAD ANG IYONG IPON

Kailangan mong mag-focus sa iyong Ipon o Savings. Maglagay ng direct deposits sa iyong savings account at mag-transfer ng budgeted na halaga bawat buwan. Ang pagtatabi ng pera sa iyong savings account ay makakatulong upang maiwasan mo itong magastos nang basta-basta.

GUMAWA NG CASH ALLOWANCE

Iwasang gumamit ng electronic transactions kapag namimili o nag-shoshopping dahil mahihirapan ka ditong mabantayan kung magkano na ang iyong nagagastos. Ugaliing magbayad ng cash at gumawa ng saktong budget na dapat lamang gastusin sa bawat buwan. Sa ganitong paraan ay mas mararamdaman at mas mababantayan mo ang iyong paggastos.

ITAGO MO ANG IYONG MGA CREDIT CARDS

Itabi mo muna ang iyong mga credit cards. Iwanan ang iyong credit at debit cards sa isang ligtas at tagong lugar at ilabas lamang sila kung mamimili nang naaayon sa budget. ‘Wag ugaliing dalhin ang iyong mga cards palagi.

PILIIN ANG PINAKAMURANG OPSYON

Bago bumili, magkumpara ng hanggang tatlong pagpipilian. Ang kaunting pananaliksik at pagiikot-ikot ay makakatulong upang makakuha ng mas murang discount. Malaking tulong din ang online coupons. Sa tulong ng modernong teknolohiya, napakadali na lang gumastos ng pera nang basta-basta. Ang susi ay ang mahinahon at mabagal na paggastos upang unti-unti ring mawala ang kagustuhang mamili. Bigyan ang sarili ng sapat na oras upang mag-isip at mapagtanto ang tama at matalinong desisyon na paggamit ng iyong pera.

    WHAT TO READ NEXT

  • Investing: Mahusay na paraan para mapalago ang iyong pera

    READ MORE
  • Pinansyal Na Abiso Na Sana Ay Nalaman Ko Noong Ako Ay 20’s

    READ MORE

Search Our Blogs