Matalinong Pagamit Sa Iyong 13th-Month Pay

Matalinong Pagamit Sa Iyong 13th-Month Pay

|

Ang pinakamasayang taon ay nalalapit na at gayundin din ang pinakaiintay na 13th-month pay. Marami sa atin ang naghahanap na ng bagong gadgets, regalo sa sarili para sa isang taong pagsisikap o kaya naman mga bagay na pwedeng ibigay sa kapamilya at kaibigan. Talagang nakaka-excite mamili para mga ganitong bagay. 

Bagamat wala namang rule kung papaano mo gagastusin ang iyong 13th-month pay, may mga wais na paraan naman kung paano mo ito gagamitin. Pinagtrabahuhan mo ito kaya dapat siguraduhin mo na sa tama ito mapupunta. 

Nilista namin ang mga iba’t ibang paraan kung paano mo magagamit ang iyong 13th-month pay. 

Bayaran ang iyong natitirang utang

Ang pasko, bukod sa pagtanggap at pagbibigay ng regalo, ay oportunidad din para magbayad ng utang. Imbis na gamitin mo ang iyong 13th month pay sa mga pinakabagong sapatos at gadget, gamitin mo ito para mabayaran ang iyong mga natitirang balanse at puksain lahat ng utang.

Dagdagan ang iyong emergency fund

Ang isa pang mainam na paraan upang gamitin ang iyong 13th-month pay ay ang dagdagan ang iyong emergency funds. Maraming financial experts ang nagsasabing kailangan mo ng ipon na hindi bababa sa 3 buwan ng iyong gastusin ito ay kung sakaling mawalan ka ng trabaho o may mangyaring hindi inasaahan.

Isaalang-alang ang iba pang investment

Kung ikaw naman ay wala ng pinagkakautangan o nakabuo na ng emergency fund, ang paglalaan ng iyong 13th-month pay sa iba pang investment ay matalinong bagay na dapat din gawin. Imbis na gastusin ito sa bagay na may madalian pakinabang, mas mainam na ilaan ito sa bagay na may malaking pakinabang sa darating na panahon. Maari mong tanungin ang iyong financial advisor kung ano nga bang investment ang para sa’yo. 

Pwede mo din isaalang-alang ang side business. Ang iyong 13th-month pay ay pwede mong gamitin pang capital. Pwede kang magsimula sa online store, loan station o kaya naman food business. Tandaan na walang masama kung magsisimula sa maliit. Ito ay paraan lamang upang maabot ang mas malaking bagay.

Mag-invest sa sarili

Ang pinakamahusay na investment ay ang investment para sa iyong sarili. Kumuha ng kaunti sa iyong 13th-month pay at gamitin ito para mapalawak ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagbili ng libro, pag-attend ng seminar o conference o page-enroll sa isang online class.

Hindi kailan man magiging aksaya sa pera kung gagastusin mo ito sa isang pangmatagalang ala-ala kasama ang iyong pamilya. Kung bibisitahin mo ang iyong magulang ngayong pasko, dalhin mo sila sa isang restaurant at kwentuhan sila ng masasayang pangyayari tungkol sa iyo. Marahil ay naiisip mo silang bilhan ng relo o bag pero tiyak na mas gusto nila na makasama ka kaysa sa materyal na bagay.

Magbigay sa isang charity

Magbigay sa hindi liliit sa 5% ng iyong bonus sa isang charity na gusto mong suportahan. Bukod sa pagbabahagi ng iyong biyaya, mapapansin mo na gumaganda ang iyong mood at madadagdagan ng kahulugan ang iyong buhay. Kung ito ay ang una mong pagkakataon, magresearch kung saan anong charity ang malapit para sa’yo. Sabi nga nila, “the secret to living is giving.”

Huwag mong hayaan ang sarili mo na magpadala sa mga bagay na uso at nagbibigay lamang ng panandaliang kaligayahan. Ang season na ito ay maaaring paborito nating araw ng taon at ang makatanggap ng pinakahihintay na 13th-month pay, ngunit hindi ito excuse upang bumili ng mga bagay na hindi naman natin kailangan. Ang tunay na kahulugan ng araw na ito ang makasama ang pamilya at makapagenjoy kasama ang isat-isa. Isaisip din na ang mga ala-ala ay mas tumatagal kaysa sa mga materyal na bagay, kaya sa kabila ng mga patalastas na nakikita mo, siguraduhin mo na gagamitin mo ang iyong pera sa mga bagay na may pangmatagalan na benipisyo — at humanap ng oras para mga taong may tunay na halaga.

    WHAT TO READ NEXT

  • Paano Kumita Ang Pera Para Sa’yo

    READ MORE
  • Ang Iyong Personal Financial Management Plan

    READ MORE

Search Our Blogs