Investing: Mahusay na paraan para mapalago ang iyong pera

Investing: Mahusay na paraan para mapalago ang iyong pera

|

Sa dami-rami ng uri ng investment na pamimilan, marahil ay nahihirapan kang pumili kung ano nga ba ang makakabuti para sa’yo. Pero huwag mag-alala, naghanda kami ng guide para malaman mo ang mga karaniwang uri ng investment. 

Bago tayo magsimula, talakayin muna natin kung ano nga ba ang kahulugan ng Investment. Ang investment ay ang pagpapalago ng pera upang masiguro ang kinabukasan at makamit ang iyong mga long term goals kagaya ng edukasyon ng iyong mga magiging anak o para sa iyong retirement. Maaaring iniisip mo na para makamit mo ang mga ito ay dapat mag-ipon ka. Kaya lang, ang pagi-ipon ay hindi nakakatulong sa iyong pagyaman sapagkat ang interest rate ay mababa at bale-wala. Ang investment naman, sa kabilang banda, ay naglalayong ma-secure ang iyong kinabuksan sapagkat makakakuha ka ng mas mataas na returns kaya sa regular na saving account.  

Kung gusto mong masiguro ang iyong future at makamit ang financial freedom, ang bawat sobrang pera na walang paggagamitan ay dapat mapunta sa investment at hayaang ito ang gumawa ng pera para sa’yo. Pero bago ka magsimula, alamin at aralin muna ang iyong mga pamimilian. 

STOCKS

Ang pagbili ng stocks ay nangangahulugan na ikaw ay magiging isang may-ari o shareholder ng isang korporasyon at magiging bahagi ng tagumpay ng kumpanya. Bagamat hindi ito palaging garantisado, ang basic principle ay kapag lumago ang kumpanya, lalaki din naman ang iyong pera. At ang magandang balita ay, itong mga publicly traded company ay mahusay sa pagpapalago ng kanilang pera. Kailangan mo lang gumgawa ng pagsusuri at hanapin ang tinatawag na “blue chip stocks”, na ang ibig sahibin ay stocks mula sa mga reputable at kilalang kumpanya. Ang ganitong stocks ang pinakaligtas na investment, bilang mayroon na silang napatunayan na accomplishment at performance history. 

MUTUAL FUND

Habang ang pagbili  ng stocks ay magpapahintulot sa’yo para magkaroon ng pirasong pag-aari sa isang kumpanya, ang pagiging mutual fund investor naman ay ang magbibigay daan sa’yo para makapili ng isang basket na naglalaman  ng mga shares na binili mula sa ibat ibang kumpanya. Ito ay pinamamahalaan ng mga professional fund manager na naga-allocate ng fund’s asset at nagtatangka na magkaroon ng income para sa fund’s investor. Ang ganitong klaseng investment ay nababagay sa mga nagsisimula pa lamang. Nasa baba ang ibat-ibang uri ng Mutual Funds: 

  • Stock/Equity Funds
  • Bond Funds
  • Balanced Funds
  • Money Market Funds

BONDS

Kung ikaw ay may savings at time deposit account pero naghahanap ng paraan para mapalago ito – ang bonds ang perpekto at mainam na investment para sa’yo. Ito ay madalas na ini-issue ng mga gobyerno at pribadong kumpaya sa tuwing nais nilang mag-raise ng pera. Ang pagbili ng bonds ay nangangahulugan na bibibigyan mo ang issuer ng loan at ibabalik nila sa iyo ang face value ng investment sa itinakdang araw gayunding ang periodic interest payment. 

    WHAT TO READ NEXT

  • Paano Protektahan Ang Iyong Sarili Mula Sa Pandaraya

    READ MORE
  • 5 Na Mga Praktikal Na Paraan Upang Makapag-ipon Ng Pera

    READ MORE

Search Our Blogs