Financial Planning Kasama Ang Iyong Pamilya

Financial Planning Kasama Ang Iyong Pamilya

|

Maaaring mahirap makamit ang iyong financial goal. At lalong mas  magiging kumplikado ito kung isasagawa mo ito kasama ang iyong pamilya dahil isasaa-alang alang mo pa ang bawat isa sa kanila. Pero kung gagawin ninyo ito nang parang isang team, magiging madali na lang ang pagpaplano. Mai-inspire ninyo ang isa’t -isa, mae-enjoy ang proseso at mapapabilis ang pag-abot sa inyong goals.

Isang mahusay na pamamaraan kung isasali mo ang iyong anak dahil matututo silang maging responsable sa kanilang finances. Ang pag-iipon kasama ang iyong pamilya ay paraan din para makapag-bond kayo habang nagi-ipon para sa inyong goal. Ang pagba-budget, pagtatabi ng pera, at pagbabawas ng gastos ay magdadala ng kaligayan sa inyo.

Narito ang mga paraan na maaari mong isagawa sa inyong pamilya:

Magkaroon ng financial discussion kasama ang iyong pamilya

Ang salitang “budget” ay maaaring nakakailang pagusapan dahil maaaring nangangahulugan ito ng pagbabawas ng gastos. Sa halip, umupo kasama ang buong miyembro ng pamilya (halimbawa sa weekend kung saan lahat ay present) at pagusapan ang inyong mga paggastos. Pagusapan ang inyong mga mahahalagang gastusin at humanap ng paraan para mabawasan ang mga paggastos na hindi naman mahahalaga.

Panatilihing front and center ang inyong goals

Isaalang-alang ang paggawa ng group chat o kaya naman bulletin board upang maipakita ang inyong progreso sa pag-iipon. Maaari mo din pagawain ang iyong anak ng makukulay na chart at i-display sa kapansin-pansing parte ng inyong bahay. Ang araw-araw na pagpapaalala sa sasakyan na inyong pinagiipunan or sa pagdiriwang ng anibersayo ng iyong magulang ay makakatulong para mamotivate kayong mag-ipon.

Maging maingat sa inyong mga salita

Marahil ay madalas mong naririnig ang iyong magulang na magsabi ng “hindi natin ito kaya” o kaya naman “wala tayong pera” na nakakapagpalito dahil nagpapahiwatig ito na nagkukulang na kayo sa pera. Imbis na ganun ang sa sabihin, subukan ang “may kailangan tayong ibang paglaanan”. Sa pamamagitan ng ganitong paraan, makakatulong ito sa mga bata na isipin kung ano nga ba ang dapat nilang pahalagahan at ano ang mas importante sa buong pamilya.

Mag-ipon at gumastos bilang isang pamilya

Kung ang iyong pamilya ay may malaking pinagiipunan, siguraduhing naa-update ang bawat isa kung hanggang saan na ba ang naiipon at magkano na lang ang kulang. Kapag sapat na ang inyong ipon, gumawa ng pagkukumpara, humanap ng best value at bilhin kung ano ang napagkasunduan.

Magkwento ng iyong storya

Ang iyong mga kwento ay mabisang paraan para mamotivate ang iyong pamilya sa pagi-ipon ng pera. Halimbawa, i-kwento sa kanila ang iyong kauna-unahang out of the country, sabihin mo kung paano ka nakapag-ipon ang kung gaano kasarap sa pakiramdam. Panatilihin inspired at excited ang iyong pamilya sa kung ano man ang inyong pinagiipunan.

Upang makapagipon kayo ng pera bilang isang pamilya, dapat may pare-parehas kayong layunin sa buhay. Isagawa ito ng para isang team at sikaping na maisagawa ang mga paraan ibinigay sa taas. Maaaring tumagal ng ilang panahon o practice, ngunit magtiwala ka lang sa amin at ang lahat ay magiging sulit, sa oras na makamit ninyo na ang layunin ninyo bilang isang pamilya. 

    WHAT TO READ NEXT

  • Ano Ang Loan At Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Dito

    READ MORE
  • Ang iyong Personal Financial Management Plan

    READ MORE

Search Our Blogs