Ano Ang Loan At Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Dito

Ano Ang Loan At Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Dito

|

ANO ANG UTANG?

Upang alamin ang pinaka-basic may kinalaman sa pangungutang, mahalagang alamin muna natin kung ano ba ito: Ang Utang ay ang panghihiram ng pera mula sa isang nagpapautang upang gamitin ito para sa isang partikular na layunin. Ngunit hindi lang ganung ka-simple ang pangungutang. Marami pang iba’t-ibang uri ng utang na maaari mong gamitin, iba’t-ibang klase ng kredit, at iba’t-ibang kategorya ng utang. Hayaan mong isa-isahin namin ito para sa inyo.

MGA KATEGORYA NG UTANG

Mayroong dalawang malawak na kategorya ng utang na maaring gamitin: Ang secured loans at ang unsecured loans.

  • Secured loans: Klase ng utang kung saan kailangan mo munang magbigay ng kolateral upang makautang. Halimbawa ng ganitong klase ng pangungutang ay ginagamit madalas para sa maliliit na negosyo, sa pagbili ng bahay o personal na utang.
  • Unsecured loans: Klase ng utang na hindi na kinakailangan pang magbigay ng anumang kolateral. Ang pag-aapply sa ganitong uri ng utang ay mabilis ngunit kadalasang kinakailangan ng mataas na credit score upang makautang. Mas mataas din ang interest rate sa unsecured loans.

Ang kadalian ng proseso nang pagkuha ng pera ay iba’t-iba depende sa klase ng utang. Mas makabubuti na alamin muna ang mga available na uri ng utang, lalo na kung ano ang nag-aalok nang pinakamababang interest rate.

URI NG CREDIT

Mayroong dalawang uri ng credit na pinagbabagayan ng bawat uri ng utang: Ang open-end credit at closed-end credits. Ang open-end credit ay nangangailangan nang murang buwanang bayaran.

  • Open-end credit: Halimbawa ng ganitong uri ng credit ay ang mga credit card accounts at home equity credit lines. Maaari mong gamitin ang ‘credit’ na ito habang nagbabayad ng mga nauna ng total balance.
  • Close-end credit: Ang close-end credit ay klase ng utang na meron nang tumpak na halaga. Ang ganitong uri ng utang ay madalas na gimagamit para sa partikular na layunin at mayroong time period na binibigay para sa pagbabayad ng utang.

IBA’T-IBANG KLASE NG UTANG:

Isa-isahin natin ang iba’t-ibang klase ng utang na maaari mong kunin:

  • Personal Loans: Maaring secured o unsecured loans na bibigay sa isang tao. Maaaring gamitin para sa kahit ano mang layunin.
  • Payday Loans: Madaliang loans na may mataas na interest. Ito ang pinakahuling klase ng loan na dapat kunin kung wala ng iba pang pagpipilian.
  • Salary Advance Loans: Humingi ng advance sa iyong sweldo mula sa isang credit union. Madali lang kumuha at mababa pa ang interest kumpara sa Payday loans. Isang magandang opsyon kung mayroon kang regular na pinagkakakitaan.
  • Student Loans: Pribadong utang na ginagamit upang magbayad sa mga eskwelahan, unibersidad o iba pang akademik na institusyon. Kadalasang humihingi ng deferred na interest o payment kapag natapos na sa pag-aaral.
  • Car Title Loans: Isang uri ng utang na kinukuha depende sa halaga ng iyong sasakyan.
  • Car Loans: Uri ng loan na kinukuha upang makabili ng sasakyan. Maaari mong lapitan ang mga bangko upang makakuha ng personal o auto loan.
  • Peer to peer Loans: Isang bagong uri ng utang kung saan maaari kang mangutang mula sa komunidad ng mga nagpapautang.
  • Home Equity Loans: Utang na kinukuha mula sa Equity ng iyong bahay.

BAGO KA MANGUTANG

Ngayong pamilyar ka na sa mga iba’t-ibang uri ng pangungutang, maaaring mayroon ka ng utang na pinagiisipan mong kunin.

Narito ang ilang mga paalala bago mo ‘yan gawin: Alamin Muna Kung Ikaw Ay Qualified Na Mangutang.

Kung makakakuha ka ng personal na utang o hindi ay nakadepende sa iyong credit score. Halos lahat ng klase ng loan ay gumagawa ng credit check. Kapag mababa ang iyong credit ay mataas na interest ang makukuha mo sa iyong uutangin o maaaring tanggihan pa nga ang iyong application. Mabutihing tignan ang iyong credit score at ayusin ang iyong credit kung mayroon kang problema sa pangungutang.

Siguraduhing Makakapagbayad ka ng Utang

Kung hindi kaya ng badyet mo ang mangutang, hindi mo kayang mangutang. Kaya iwasan ang pag-utang kung malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng problemang mabayaran ito. Tignang mabuti kung magkano ang babayarang interes, hanggang kailan mo lamang ito bayaran, at iba pa.

Basahing Mabuti ang Loan Terms – Interest, Repayment time, Penalties.

Tandaan na kinakailangan mong magbayad ng utang kaya maiiging basahin ang kasunduan para malaman mo kung ano ang pinapasok mo. Importante na alamin muna kung magkano ba ang sinisingil na interest rate ng iyong inuutangan. Maaring magbigay ng early repayment penalties or redemption fees ang iyong inutangan kung maaga kang nakapagbayad ng iyong utang upang makabawi sa pinagkasunduang interest rate. Para makaiwas sa ganitong uri ng penalty ay makabubuting humanap ng flexible loans na maaaring bayaran ng maaga na walang penalty.

    WHAT TO READ NEXT

  • 5 Na Mga Praktikal Na Paraan Upang Makapag-ipon Ng Pera

    READ MORE
  • Financial Planning Kasama Ang Iyong Pamilya

    READ MORE

Search Our Blogs