5 Na Mga Praktikal Na Paraan Upang Makapag-ipon Ng Pera

5 Na Mga Praktikal Na Paraan Upang Makapag-ipon Ng Pera

|

Isipin mo kung paano magbabago ang iyong buhay kung mayroon kang natirang pera sa iyong buwanang badyet. Ano ang gagawin mo sa pera na iyon sa paglipas ng panahon? Ihahanda mo para sa iyong emergency fund? Babayaran ang iyong kotse? O sa wakas ay makakapagbakasyon ka na sa lugar na iyong pinapangarap? Ito ay maaaring mangyari! Kapag gumawa ka ng ilang mga pag-aayos sa iyong mga gastos, mabibigla ka kung magkano ang pera na iyong natira sa iyong badyet.

1. Wag Mag Grocery Nang Hindi Kailangan

Karamihan sa atin ay nagugulat kung magkano ang nagagastos nila buwan-buwan sa pag-bili sa grocery store. Mag-laan ng pera para sa groceries sa pamamagitan ng pagpaplano ng iyong mga pagkain sa bawat lingo at pagkuha ng imbentaryo bago pumunta sa store. Makakatulong ito sa pag-pigil sa iyo ng mag-overspending at sa pag-aaksaya ng pagkain. Itigil na din ang pagbili ng junkfood at snacks na maaring nakakapagpamahal sa iyong pinamili.

2. Kanselahin Ang Mga Subscription At Pagiging Miyembro

Marahil ay nagbabayad ka sa maraming subscription tulad ng Spotify, Gym Membership at HOOQ. Kanselahin ang anumang mga subscription na hindi mo ginagamit nang regular. Kung talagang napalampas mo ang isa, mag-subscribe muli-ngunit kung ito ay angkop sa iyong bagong badyet.

3. Bawasan Ang Mga Gastos Sa Enerhiya

Maging mas maingat sa iyong pag-gamit ng enerhiya. Ang mga simpleng bagay na tulad pagsho-shower ng mablis, pag aayos ng tumutulong gripo, paghu-hugas ng iyong damit sa malamig na tubig, o ang pagi-install ng dimmer switch or LED lightbulb. Maaring mamumuhunan ka kung sisimulan mo pa lang ang mga ito, pero kung mayroon kang nakatagong badyet, may pagkukunan ka ng pera pambili ng mga baong investment,

4. Magtanong Tungkol Sa Mga Discounts.

Hindi mo malalaman kung hindi ka magtatanong. Sa susunod na pagkakataon na bibili ka ng ticket sa sinehan, museum o sporting event, magtanong kung mayroon silang anumang mga special discount para sa mga nakakatanda o mag-aaral.

5. Subukan Ang Spending Freeze.

Huwag bumili ng anumang mga hindi kinakailangang mga item sa loob ng isang linggo (o kahit isang buwan!). Gawin ito sa pamamagitan ng paghahanda ng pagakin na mayroon ka na, pag-iwas sa ma tindahaan kung saan may posibilidad kang mapabili, at pagsabi ng hindi sa anumang bagay na hindi naman kailangan. Ngayon na ang sikreto ay nabasa mo na, oras nang simulang abutin ang iyong saving goal.

    WHAT TO READ NEXT

  • Pinansyal Na Abiso Na Sana Ay Nalaman Ko Noong Ako Ay 20’s

    READ MORE
  • Tagalog: Truth in Lending Act – Ano ang dapat mong malaman bago umutang

    READ MORE

Search Our Blogs